Nina MARTIN A. SADONGDONG at ROY C. MABASA

Iginiit kahapon ng Philippine National Police (PNP) na walang nangyayaring extrajudicial killings (EJKs) sa patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga ng pamahalaan sa harap ng mga alegasyon ng European (EU) Parliament.

 GIVE US DETAILS Nagsasalita si PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa press conference sa Camp Crame, Quezon City, kahapon. (MARK BALMORES)


GIVE US DETAILS Nagsasalita si PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa press conference sa Camp Crame, Quezon City, kahapon. (MARK BALMORES)

Nanawagan ang EU Parliament, sa joint resolution na may petsang Abril 18, sa gobyerno ng Pilipinas na “put an immediate end to the extrajudicial killings in the pretext of a ‘war on drugs,’” at binanggit ang 12,000 iniulat na namatay sa madugong kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpahayag din ito ng “grave concern” sa mga ulat na pinepeke ng pulisya ang mga ebidensiya “to justify extrajudicial killings, and that it is overwhelmingly the urban poor who are being targeted.”

Bilang tugon, hinikayat ng bagong upong si PNP chief Director General Oscar Albayalde ang EU Parliament na magbigay ng mga detalye sa lahat ng sinasabing nakarekord na 12,000 drug-related deaths.

“Unang-una, hindi natin alam kung saan nila nakita ‘yung record, ‘yung data nila na more than 12,000 yata, I think. We really do not know,” ani Albayalde sa press briefing sa Camp Crame sa Quezon City.

“If they can give us details doon sa sinasabi nilang 12,000 deaths, probably we will be able to check kung talagang totoo ‘yung data nila na iyon dahil napakalaki noon. Baka mamaya, bukas makalawa 20,000 na ‘yan,” ani.

Batay sa tala ng PNP, mayroong 4,000 namatay sa kampanya laban sa droga mula Hulyo 2016 hanggang Marso 2018.

Ikinatwiran din ni Albayalde na maging ang Commission on Human Rights (CHR) ay hindi napatunayan ang EJKs simula nang ilunsad ang war on drugs noong Hulyo 1, 2016. “Wala pa silang mapatunayan na there is EJK na nangyari magmula nang umupo ang ating Pangulo o magmula nung nag-start tayo dito sa war on drugs natin,” aniya.

Iginiit ni Albayalde na naging “transparent” ang PNP sa mga ulat nito.

“They cannot accuse us because once you have reported an incident, it is covered by an official spot report. You cannot change the spot report because it goes from the station up to the national headquarters,” diin niya.

PANGHIHIMASOK NA

Binatikos naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang European Union (EU) Parliament sa “unwarranted and uncalled for actions” nito laban sa Pilipinas na maituturing na panghihimasok sa internal affairs ng bansa.

“The European Parliament has crossed a red line when it called for unwarranted actions against the Philippines,” sinabi ng foreign affairs chief sa inilabas na pahayag nitong Huwebes ng gabi.

Ito ang reaksiyon ni Cayetano kasunod ng EU resolution na nananawagan sa Pilipinas na wakasan ang extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs campaign ni Pangulong Duterte, palayain sa kulungan si Senator Leila De Lima, at alisin ang human rights defenders, kabilang si United Nations Special Rapporteur Victoria Tauli Corpuz, sa listahan ng mga terorista.

“This resolution that the European Parliament just adopted is based on biased, incomplete and even wrong information and does not reflect the true situation on the ground,” dagdag ni Cayetano.

Pinaalalahanan din ni Cayetano ang EU Parliament na ang kanilang mga inirekomendang aksiyon “already constitute interference in the affairs of a sovereign state.”