Ni BRIAN YALUNG

BANTAY, Ilocos Sur — Winalis ng National Capital Region ang 2018 Palarong Pambansa rhythmic gymnastics elementary competitions kahapon sa Sta. Maria Municipal Gym sa Sta. Maria, Ilocos Sur.

LIMANG gintong medalya ang napagwagihan ni Breena Labadan para sandigan ang NCR sa overall championship sa rhythmic gymnastics elementary. (YONG DUBHE)

LIMANG gintong medalya ang napagwagihan ni Breena Labadan para sandigan ang NCR sa overall championship sa rhythmic gymnastics elementary. (YONG DUBHE)

At nanguna sa tagumpay ng Manila si Breanna Labadan na tinanghal na individual all-around champion sa nakopong iskor na 48.884.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakamit ng kasangga niyang sina Denise Sabunod (43.283) at Charmy Deseree Flores (40.350) ang silver at bronze, ayon sa pagkakasunod, sapat para makamit ng NCR ang gintong medalya sa team competition sa kabuuang iskor na 132.5167.

Nangibabaw din ang NCR sa secondary level, sa pamamagitan nina Jhazelle Louise Lemenzon, Divina Sembrano at Kristal Mae Maquidato sa kabuuang iskor na 145.2333.

Nangibabaw si Labadan sa rope, ball and clubs, habang pangatlo sa freehand.

Sa murang edad na 11, kapansin-pansin na ang husay ni Labadan maging sa international stage.

“Actually even though I won in 2 international competitions prior to coming here at the Palarong Pambansa 2018, I was really nervous. There were high expectations from my team that I give a good performance,” pahayag ni Labadan, pambato ng Butuan City, sa esklusibong panayam ng Manila Bulletin Sports Online.

Matapos ang matagumpay na kampanya, kaagad na nagbalik Maynila si Labadan para dumalo sa kanyang graduation sa St. Scholastica Manila. Naiwan sa Vigan ang kanyang ama na si Arnold na siyang tumanggap ng mga medalya ng anak.

“After winning the 5 gold medals, I was very happy and kept thanking the Lord for giving me the victory. I feel very happy even if I received a lot of criticism. I proved them wrong and showed that I can really do anything with pure dedication and hard work,” sambit ni Bree, tawag ng kanyang mga kaibigan.

Ipinagmamalaki ni Arnold ang panibagong tagumpay sa sports ng kanyang anak at dalangin niya na mabigyan pa ito ng sapat na pagkakataon para mapaangat pa ang career.

“My wish for my daughter is that she will continue to believe in herself and work harder. We offer this victory to God,” aniya.