Ni Mary Ann Santiago

Arestado ang isang babae matapos umanong hindi bayaran ang mga ipinamili sa department store ng isang mall sa Barangay Kalumpang, Marikina City kamakalawa.

Naghihimas ng rehas sa Marikina City Police si Michelle Ocampo, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lugar, matapos tangkaing ipuslit ang dalawang eco bag na naglalaman ng mga damit at iba pang item na nagkakahalaga ng P7,295.25.

Sa ulat ng pulisya, inaresto ang suspek sa loob ng department store ng isang mall na matatagpuan sa Marcos Highway, sa Bgy. Kalumpang, dakong 8:45 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una rito, namataan ni Racquel Natividad, guwardiya, ang suspek na pumasok sa fitting room sa department store habang dala ang isang push cart, na may lamang iba’t ibang item, at nagsukat.

Gayunman, paglabas umano ni Ocampo ay kapansin-pansing may dala na itong dalawang eco bag at dire-diretsong lumabas nang hindi nagbabayad sa cashier.

Sinita ni Natividad ang suspek at dahil sa pagkabigong magpakita ng resibo para sa mga ilalabas na item, agad siyang binitbit sa tanggapan ng Police Community Precinct 1 para sampahan ng kasong theft (shoplifting).