Ni Rey G. Panaligan

Hiniling ni Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo kahapon sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na muling pag-isipan ang desisyon na tanging ang mga balota na 50 porsiyentong nabilugan sa oval space ang dapat na bilangin bilang valid votes sa 2016 elections.

Sa motion for reconsideration, binanggit ni Robredo ang liham noong 2016 ng Commission on Elections (Comelec) na nagsasaad na kahit na binilinan ang mga botante na i-shade ang buong balota, “the shading threshold was set at about 25 per cent of the oval space.”

“In other words, when a mark covers at least 25 per cent of the oval, said mark is supposed to be considered a vote by the system,” saad sa kanyang mosyon mula sa sinasabing liham ng Comelec.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Nangagahulugan ito na ang PET, binubuo ng lahat ng justices ng Supreme Court (SC), ay batid ang tungkol sa 25% threshold, iginiit niya.

Ipinunto ni Robredo na ang pagpahintulot sa 50% threshold ay pagkakait sa karapatan ng mga botante dahil ang mga boto na hindi umabot sa 50% threshold ay binilang na valid ng vote counting machines at kinumpirma ng Random Manual Audit Committee.

Idiniin niya na sa desisyon ng PET, “the physical count is now running inconsistent with the results based on the Election Returns, Statement of Votes by Precinct, Ballot Images and the Voter’s Verifiable Audit Paper Trial (VVPAT).”

Sa kanyang mosyon, hiniling ni Robredo sa PET na “immediately direct the Head Revisors to use the 25-percent threshold percentage used by the Commission on Elections for the 09 May 2016 National and Local Elections in lieu of the 50 percent used in the 10 May 2010 National and Local Elections.”

Ang manual recount at revision of ballots sa protestang inihain ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Robredo ay nagsimula noong Abril 2 sa SC-Court of Appeals gymnasium sa Ermita, Manila.

Sangkot dito ang 1,400 boxes sa 5,418 clustered precincts sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental – ang mga probinsiyang tinukoy ni Marcos sa kanyang protesta.

Ang mga resulta ng manual recount at revision of ballots sa tatlong lalawigan ang tutukoy kung itutuloy ng PET ang protesta ni Marcos na sumasakop sa 132,446 precincts sa 27 lalawigan at siyudad.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Robredo na makikinabang rin si Marcos sa reconsideration ng PET ruling.

“More importantly, while it is true that the votes of protestee Robredo, as counted by the VCM (Vote-counting Machine), are being systematically decreased, the same is true for the votes of protestant Marcos as well,” aniya.