Ni Vanne Elaine P. Terrazola

Kinumpirma ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na ikinokonsidera nila ang singer na si Freddie Aguilar para mapabilang sa mga kakandidatong senador ng kanilang partido sa eleksiyon sa 2019.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Aguilar sa isang panayam sa radyo kahapon ng umaga na interesado siyang kumandidatong senador sa midterm polls sa susunod na taon.

“Yes, because he is a party member,” sinabi ni Pimentel, presidente ng Partido Demokratiko ng Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa mga mamamahayag nang tanungin kung ikinokonsidera ba si Aguilar sa senatorial slate ng administrasyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Go over the qualifications for senator. He has all of them,” ani Pimentel. “And for sure he has ideas on how legislation can solve some of our problems.”

Gayunman, nilinaw ni Pimentel na hindi pa naisasapinal ang listahan ng senatoriables ng PDP-Laban. “By August-Sept pa ‘yan ma-finalize, given the overflow,” aniya.