Ni Bert de Guzman

Inaayos ngayon ang panukalang batas na magpapaikli sa probationary employment period para sa mga guro.

Bumuo ang House committee on labor and employment ng technical working group (TWG) na magsasama sa House Bills 4933 at 3164, na inakda nina Rep. Raymond Mendoza at Rep. Harry Roque. Jr., na ngayon ay presidential spokesman.

Layunin ng pinagsamang panukala na iklian ang probationary period para sa mga guro, librarian, researcher, at iba pang kawani sa mga pribadong paaralan.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, pasimpleng kinumpirma breakup nina Ryan Bang, Paola Huyong?

Sususugan ng panukala ang Presidential Decree No. 442, o ang Labor Code of the Philippines.