Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Itinanggi ng Malacañang na mayroong crackdown sa mga banyagang kritiko ng administrasyon at iginiit na ipinatutupad lamang ng gobyerno ang batas na nagbabawal sa mga dayuhan na makilahok sa mga gawaing politikal.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules na siya ang nag-utos na imbestigahan ng Immigration officers ang 71-anyos na madreng Australian na si Patricia Fox nitong dahil sa pakikilahok sa mga kilos protesta.

Muling idiniin ni Roque, sa press briefing sa Malacañang, na ang mga banyaga sa Pilipinas ay hindi apat na nakikilahok sa political activities dahil ito ay paglabag sa kondisyon ng kanilang pamamalagi.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“The President and I remain united in our common stand that foreigners should not be engaged in any political activity,” sabi ni Roque kahapon ng umaga.

“Malinaw po ang ating batas -- those in the Philippines are here because of our consent for them to be here but they are not allowed to engage in any political activity,” dugtong niya.

Sinabi ng opisyal ng Palasyo na hindi tinutugis ng gobyerno ang mga banyagang kritiko kundi ipinatutulad lamang nito ang batas at Operations Order No. SBM 2015-025 na nilagdan ni dating Bureau of Immigration chief Sigfried Mison at inaprubahan ni Justice Secretary Leila de Lima.

“Hindi po yan crackdown! Talagang ‘yan po ang batas. Sabi ko nga po, dura lex, sed lex. The law may be harsh, but such is the law,” ani Roque.

Binanggit ni Roque na mayroon nang mga banyagang napatapon dahil sa pagsali sa political partisan activities bago pa man ang administrasyong Duterte.

Inihalimbawa ni Roque ang kaso ng aktibistang Dutch na si Thomas van Beersum na nahuli sa mga litrato na kinukutya ang isang pulis sa protesta sa State of the Nation Address ni dating President Benigno Aquino III noong 2013. Inaresto si van Beersum habang pasakay sa kanyang flight patungong China.

Tiniyak din ni Roque na ang batas ay ipinatutupad sa sino mang foreigner na makikilahok sa anumang political activities, kontra o pabor man sa administrasyong Duterte.

“We cross party lines in the issue of foreigners taking part in political activities,” aniya.