Ni Nitz Miralles
Sa April 30 na nga ang pilot ng The Cure na ang tamang tawag sabi ni Direk Mark Reyes ay epidemic drama, pero ang gusto ng GMA-7 ay tawaging virus serye. Masaya si Direk Mark sa kanyang cast at pinaaabangan ang magi-guest na big stars ng Kapuso Network.
Kabilang sa cast ng The Cure sina Ken Chan at Arra San Agustin na gaganap sa role ng mag-asawang Josh at Arra. Nagkasama na sa Meant To Be ang dalawa, pero first time nilang magtatambal sa The Cure at kita sa mga eksena nila ang chemistry. They look good together on screen.
Sayang dahil special participation dito si Ken, mawawala ang karakter at maganda naman ang rason. Malay natin at ituloy sa ibang show ang tambalan nila.
“Special participation ako rito, pero hindi naman sobrang maiksi ang labas ko. May rason kung bakit mawawala ang karakter ko at another blessing ‘yun. First time ko to work with Ms. Jaclyn Jose at pinaghandaan ko. Bago ang taping namin, pinanood ko ang Ma Rosa at Patay Na Si Jesus bilang paghahanda. Inaral ko rin ang lines ko dahil ayaw kong magkamali, pero sobrang bait pala niya at wala akong dapat ikatakot. Pasalamat ako na hindi rin ako nagkamali sa mga eksena namin,” kuwento ni Ken.
Kahit special participation lang si Ken sa The Cure, sobrang pasalamat pa rin ito na napasama siya sa epidemic drama na first time mapapanood sa local TV. Idagdag pang first time niya to work with Direk Mark, Tom Rodriguez and Jennylyn Mercado.