Ni Annie Abad

MAPANATILI ang pagkilala sa mga katutubong laro at sa kanilang kultura ang misyon sa pinakabagong proyekto ng Philippine Sports Commission (PSC) -- Indigenous Peoples Games -- na nakatakdang gawin ang una sa limang leg sa lalawigan ng Davao del Norte sa Abril 27-28.

PNG SA CEBU! Senelyuhan nina Cebu City Mayor Tomas Osmena (kaliwa) at Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa hosting ng Philippine National Games sa Mayo 19-25.

PNG SA CEBU! Senelyuhan nina Cebu City Mayor Tomas Osmena (kaliwa) at Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa hosting ng Philippine National Games sa Mayo 19-25.

Ikinalugod ni PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey ang katuparan ng programa na ilalarga rin sa pamayanan ng mga katutubo mula sa Bukidnon, Lake Sebu, South Cotabato, Ifugao, Benguet at Nueva Vizcaya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We coordinated with the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) and the provincial officials for the project. We had series of coordination meetings with the tribal leaders before we received the green light,” pahayag ni Maxey, project director ng naturang programa.

Magiging tampok sa nasabing IP Games ang Games Demonstration, Games Competition, Indigenous Peoples Games, Forum at Photo Contest.

Magiging panauhing pandangal si PSC Chairman William I. Ramirez upang bigyang inspirasyon ang mahigit 300 kalahok buhat sa Indigenous tribe na Ata-Manobo, Sama, Dibabawon, Mandaya, Mangguangan, at Mansaka.

Dadalo din si Davao del Norte Governor Anthony del Rosario, upang magbigay ng mensahe sa mga kalahok at opisyales mula sa Local Government Units (LGUs).

Kabilang sa mga LGUs na bahagi ng programa ay ang New Corella, Talaingod, Carmen, Panabo City, Sto. Tomas, Asuncion, Kapalong, Tagum City, Dujali, Island Garden City of Samal, at San Isidro.

Walong katutubong laro ang paglalabanan tulad ng Kadang- Kadang sa Bagol, Kadang-Kadang sa Bamboo, Lubok sa Humay, Butong sa Lubid, Pana, Bangkaw, Basket sa Likod, 4x100m event, at 100m run.

“We have also included games for women as well, particularly the Lubok sa Humay and Kadang-Kadang sa Bagol,” ayon kay Maxey.

Sasagutin ng PSC ang pagkain para sa lahat ng kalahok sa dalawang araw na palaro, gayundin ang uniporme at transportation allowance.