Ni NORA V. CALDERON

NAGKATAWANAN ang mga kaharap ni Jennylyn Mercado sa press launch ng The Cure nang lahat ay nagku-congratulate sa kanya na ipinagtataka raw niya.

Jennylyn Mercado - TC

“Nanalo ba ako ng award, bakit lahat kayo bumabati sa akin,” natatawang sabi ni Jen. “Bakit nga ninyo ako binabati?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Saka lamang nalinawan ni Jen na may kinalaman iyon sa pagpu-post ng boyfriend na si Dennis Trillo sa IG nito noong nasa Toronto, Canada pa sila para sa “Sikat Ka Kapuso” show roon. Ito ay larawan ng kanilang mga kamay at twinning ang Rolex watch nila, pero ang napansin ng marami ay suot niyang “engagement” at “wedding ring” daw, kaya masaya sila dahil engaged na ang well-loved couple.

“Hindi singsing ko ito, binili ko ito, saka hindi ito engagement ring. Hindi ba kapag engagement ring, isang bato lamang, itong suot ko ay maraming bato,” paglilinaw ni Jen.

Pero nang hanapin sa kanya ang suot niyang wedding band na kasama ng engagement ring, hindi na siya sumagot. Ayaw na ring sagutin ni Jen ang tanong kung kailan sila magpapakasal ni Dennis. Wala pa raw sa plano nila ang pagpapakasal, basta masaya sila ni Dennis together with her son Jazz at Dennis’ son Calix.

Focus muna si Jennylyn sa bago niyang project sa GMA7, after ng romantic-comedy niyang Pinoy adaptation ng Koreanovelang My Love From The Stars.

“Challenged po ako sa bago kong project, masaya ako dahil ibang concept naman ang ginagawa namin ni Tom Rodriguez, hindi na iyong romantic-drama series na may iyakan at sampalan. Dito, makikipaglaban ako sa mga infected ng virus, takbuhan, habulan. Thankful ako na hindi ako tumigil sa pagti-training at nang kausapin ako ni Direk Mark kung ano ang role ko talaga rito, mas dinagdagan ko pa ang training ko dahil kailangang maging fit ako para sa mga fight scenes na gagawin ko. Nagpasalamat din ako kay Direk Mark na ako raw ang personal choice niya to play the role of Charity Salvador, ang asawa ni Gregory Salvador, isang researcher sa isang international pharmaceutical company. Masaya ang family namin with our daughter Hope, nang ma-diagnosed ng stage 4 cancer ang mother-in-law ko na mahal na mahal ko.”

Dagdag nga palang kuwento ni Direk Mark, abangan din every week ang paggi-guest nila ng mga big Kapuso stars.

Mapapanood na ang The Cure simula sa April 30, 2018.