Ni Rey G. Panaligan

Sa susunod na buwan inaasahang ilalabas ng Korte Suprema ang desisyon sa quo warranto petition na magpapatalsik sa puwesto kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

“By next month, we should be able to decide it,” sinabi kahapon ni acting Chief Justice Antonio T. Carpio, kasabay ng paglulunsad ng bagong app na tinawag na Justice PH, sa lobby ng Hall of Justice sa Quezon City.

Ang quo warranto petition ay inihain ni Solicitor General Jose C. Calida, abogado ng gobyerno.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hiningan ng Korte Suprema si Sereno, na nag-indefinite leave nitong Marso 1, ng komento sa petisyon. Sinagot ni Calida ang komento. Matapos nito, nagsagawa ng oral argument ang Korte Suprema sa

Baguio City, kung saan nagpahayag ng sinumpaang salaysay si Sereno nitong Abril 10.

Matapos ang oral argument, kapwa pinaghain sina Sereno at Calida ng kani-kanyang memorandum hanggang ngayong Abril 20. Pagkatapos ay isusumite ang petisyon upang madesisyunan.

Bukod sa quo warranto case, lilitisin din si Sereno sa kasong impeachment, na inihain naman ni Atty. Larry Gadon.