Ni Annie Abad

SAN JUAN, Ilocos Sur — Kapwa naisalba ng Davao Region at National Capital Region (NCT) ang matikas na hamon ng mga karibal para makausad sa Final Four ng 2018 Palarong Pambansa secondary boys basketball kahapon sa San Juan covered coirt dito.

Naungusan ng Davao ang Central Luzon, 94-93, habang ginapi ng NCR ang Central Visayas (CVIRAA), 87-58.

Naisalpak ni Aljay Alloso ang corner jumper may 10 segundo ang nalalabi para sa winning margin ng Davao Region, binubuo ng mga players mula sa Holy Child School of Davao, Ateneo de Davao, St. Mary’s College of Tagum, at Cor Jesu College sa Digos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naisalpak ni Ron Jabez Canlas ang three pointer para maibigay sa Central Luzon ang 93-92 bentahe may 25 segundo sa laro, bago natumbasan ni Alloso ang kabayanihan.

Nanguna si Vince Cuajao na may 31 puntos sa Davao Region. Makakaharap nila ang mananalo sa duwelo ng Northern Mindanao at Western Visayas.

Pinangunahan naman ni Gerry Abadiano ang NCR sa naiskor na 20 puntos, habang kumana sina Carl Tamayo at Terrence Fortea ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna si Jearolan Omandac na may 17 puntos sa CVIRAA.