Ni Mary Ann Santiago

Pinababa kahapon ang mahigit 1,000 pasahero ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 matapos na dumanas ng technical problem ang sinasakyan nilang tren sa bahagi ng Mandaluyong City.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nangyari ang unloading incident sa southbound lane, sa pagitan ng Ortigas Station at Santolan Station ng MRT, bandang 1:17 ng hapon.

Agad namang naisakay ang mga pasahero sa kasunod na tren makalipas ang anim na minuto, habang ang nasirang tren ay idiniretso sa train depot upang kumpunihin.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“A Southbound (SB) train unloaded at Ortigas station due to Door Failure at 1:17 pm today,” saad sa abiso ng DOTr.

“The whole train was unloaded, with approximately 1,000 passengers.

“One cause of door failure is stress on door components which may be caused by leaning on the door or forcing it open,” ayon pa sa DOTr.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOTr sa mga pasahero na huwag sandalan at piliting buksan ang pintuan ng mga tren, upang hindi maabala.