Ni Leonel M. Abasola

Iginiit ni Senador Win Gatchalian na dapat ding usigin si dating Health Secretary Jean Pauline Ubial kaugnay ng isyu sa bakuna kontra dengue na Dengvaxia, dahil pinalawig pa ng opisyal ang pagpapatupad nito.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Ubial sa mga unang buwan ng kanyang administrasyon, pero natanggal din sa puwesto makaraang tatlong beses na tinanggihan ng Commission on Appointment.

“Secretary Ubial is equally liable in the Dengvaxia mess under Ubial’s term. She expanded the Dengvaxia program from school- to community-based,” ani Gatchalian, iginiit na dapat na pareho ang maging pananagutan ni Ubial kay dating Health Secretary Janette Garin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Una nang inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng kaso laban kina Garin, dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Secretary Florencio Abad, kaugnay ng Dengvaxia.

Naniniwala rin si Gatchalian na hindi inaprubahan ni Aquino ang pagbili ng nasabing bakuna “in bad faith”.