Ni REGGEE BONOAN

UMEERE pa ang Hanggang Saan ay nanalo na ng Best Actress si Sylvia Sanchez sa gaganaping 20th Gawad Dangal ng Pasado sa Mayo 20. Bale ito ang first award na natanggap ng programa.

Arjo at Sylvia copy

“Masaya ako kasi ‘di ba, bonus lagi ito na ibinibigay, ibig sabihin napansin ‘yung ginawa ko. Maayos ang pagkaganap ko kasi merong nakapansin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Mas mabilis nga ito (Hanggang Saan) na nagkaroon ng award pero ang Greatest Love nu’ng nagkaroon, sunud-sunod naman,” pahayag ng aktres pagkatapos ng Q and A.

Sa tanong kung sino sa dalawang ginampanan niyang karakter ang mas matinding ina, si Sonya (HS) o si Gloria (TGL)?

“Magkaiba. Kasi si Gloria ‘yun ‘yung klaseng ina na tatanggapin niya lahat kahit binabastos na siya ng anak niya, tapos ipapanalangin niya. Pero ‘yung amount ng love niya sa anak niya pareho lang ng kay Sonya.

“Si Sonya normal, alam mong matapang, si Sonya wala siyang sakit. Dalawang magkaibang nanay pero sa pagmamahal sa anak, walang kuwestiyon. Pareho ang ibinibigay niya,” paliwanag ng aktres.

Sinabi ng aktres na ngayong patapos na ang HS ay magpapahinga muna siya sa teleserye at sa 2019 na ulit siya gagawa, pero hindi naman siya totally magpapahinga ngayong 2018 dahil may indie film siyang gagawin kasama ang anak na si Arjo Atayde sa Agosto.

“Gusto ko munang magpahinga kasi gusto kong i-charge ang sarili ko para pagbalik ko may bago na naman akong io-offer,” saad ni Sylvia.

Natanong din kung okay lang sa kanya na bumalik siya sa pagiging kontrabida.

“Actually, sabi ko nga sa manager kong si Anna Goma, ‘Anna next time, iba naman. Gusto kong bumalik sa pagko-kontrabida kasi ikaw na ang aapi sa lahat. Totoo ‘yun, di ba nag-enjoy nga si Ariel na bida siya (mga nakaraang karakter). ‘Pag kontrabida kasi, malaya ang role mo saka, mas masarap na nang-a-api ka sa set.

“Wala akong pakialam kung kontrabida ako at thankful ako na binigyan ako ng bida role ng GMO unit, thankful ako sobra. Hindi mahirap sa akin na bumalik sa pagiging kontrabida, kasi from the start. Ang gusto ko pagtanda ko, nandiyan pa rin ako, hindi ‘yung sikat agad tapos later on wala na,” paliwanag ni Sylvia.

Hindi ba natatakot ang aktres na kapag nagpahinga siya sa TV ng matagal ay makalimutan siya ng tao.

“Hindi naman ako bagets, eh. Hindi ako kaedad nila, kung baga nanay na ako so, hindi ako takot. Magpapahinga lang ako kasi kailangan ko lang talaga para pagbalik ko bago naman ang mai-offer ko. Sa teleserye lang naman. May gagawin naman akong movie this year na dalawa.

“Mabilis naman ang panahon, so bukas makalawa baka mayroon akong offer niyan, actually meron, pero huwag muna kasi ayokong pagsawaan ako. Pero hindi ako takot (magpahinga) kasi alam ko nandito na ako. Modesty aside nakatatak na ako,” katwiran ni Sylvia Sanchez.

Natanong din kung may dream role pa si Ibyang dahil halos nagawa na niya lahat.

“Ang gusto ko talaga mag-action. ‘Yun talaga ang pangarap ko bata pa ako, gusto ko naka-motor, gusto tumatakbo sa bundok, gusto ko nakikipag-barilan ako, ‘yung lalaki kasi boyish ako. Action talaga ang gusto ko, sana magawa ko,” sagot ng aktres.

At dahil nakasama ng aktres ang anak na si Arjo ay natanong kung ano ang nadiskubre niya.

“Hindi po dahil anak ko siya ay nakita kong magaling siya, sabi ko nga, ‘nak ang galing mong umarte, mahalin mo ang trabaho mo, be professional wala kang ibang pupuntahan kundi aangat ka.

“Dati kasi puro lang naririnig ko na pinupuri siya o ng ibang tao pero iba pag nakasama mo kasi nakikita ko ng personal.

“Pag mas lalong nag-focus pa si Arjo at mahalin niya ang trabaho niya, mas mayroon pa siyang ibibigay,” pahayag pa ng proud mom ng aktor.

Nabanggit din ni Ibyang na maganda rin na nakasama niya ang anak sa trabaho dahil, “mas nakilala ko siya as an actor. Kasi hindi ko naman siya kilala bilang aktor, kilala ko siya as Arjo Atayde.”

Paano pinapangaralan ni Sylvia si Arjo? “Parati kong ini-example ko sa kanya nu’ng bago ako hanggang sa narating ko ngayon. Lagi ko ring sinasabi na sana huwag pasaway, galingan niya, makisama sa lahat at huwag mamimili ng tao, ke boss ‘yan o utility. Honestly, hindi sa pagyayabang, ‘yung itinuturo ko sa anak ko, ‘yun ang nakita ko rito (Hanggang Saan).”

Sa Q and A ay inamin ng anak niya na sana sa muli nilang pagsasama sa isang project ay pangarap nitong saktan ang ina physically.

“Oo, iyon talaga pangarap niya, sabi niya, ‘mommy gusto kong magkaroon ng (project) na sasapakin kita. Kasi hindi na challenge sa akin ‘yung sasapakin siya, kasi sa totoong buhay, pag nagkamali siya, sinasapak ko talaga siya.

“Kaya hindi na bago sa akin. Kaya kung may ganu’n project, excited siya na masapak ako,” natawang sabi ng aktres.

Natanong ang aktres kung anu-ano pa ang aabangan sa natitirang dalawang linggo ng Hanggang Saan.

“Marami pang barilang mangyayari, mayroon pang mga mamatay, pero ang pinakamatindi, hindi ang barilan. Hindi ko ibu-bulgar kung ano ‘yun pero as nanay, isa lang ang sasabihin ko, ‘patayin mo na ako o barilin mo na ako kaysa sa pinapagawa mo sa akin. Kasi kapag binaril ka tapos na, kasi kapag binaril ka tapos na, di ba?,” kuwento ni Ibyang.

Nabanggit pa na habang binabasa ni Ibyang ang script ng dalawang linggong episodes ay, “lumuluha ako kasi nabasa ko ‘yung mga mangyayari towards the end, ang ganda ng pasabog ng show.”

Kaya abangan ang Hanggang Saan pagkatapos ng Asintado sa ABS-CBN.