Ni Mary Ann Santiago

Suportado ng Simbahang Katoliko ang pagiging bukas ni Pangulong Duterte sa pagtanggap ng Rohingya refugees sa bansa.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, laging bukas ang simbahan sa mga migrante na naghahanap ng kalinga at pangangalaga, partikular sa dinaranas ng mga ito na paghihirap at karahasan mula sa sarili nilang bansa.

“Maganda ang sinabi ng ating Pangulo na siya ay open, at tayo namang mga Pilipino… talaga tayo ay kilala bilang hospitable at pagiging tapat at masipag. Kung magkakaroon ng pagkakataon dapat ito ay diplomatic saka bipartisan at tripartisan sa mga countries involved,” sinabi ng obispo sa panayam ng Radio Veritas, sinabing handa ang Simbahan na tumulong sa pagkupkop sa refugees.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji