Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

2 p.m. Akari-Adamson vs. Chelu Bar and Grill-San Sebastian

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 p.m. Marinerong Pilipino vs. Zark’s Burger-Lyceum

TATANGKAIN tapusin at kumpletuhin ang upset ng Chelu Bar and Grill -San Sebastian at ng Zark’s Burger-Lyceum upang maitakda ang pagtutuos nila sa finals sa pagsabak nila sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa semifinals ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Gaya sa nauna nilang panalo, muling aasahan ni Revelers coach Stevenson Tiu ang kanilang mga beterano para sa hangad nilang walisin ang best-of-3 semifinals series nila ng Falcons.

“Usually, pag ganitong level ng game, I go to the veterans na. Sila na yung nakapaglaro dito before kaya alam na nila ang dapat gawin,” wika ni Tiu na tinutukoy ang kanyang mga beteranong manlalaro na sina Jeff Viernes at Cedrick Ablaza.

Para naman sa kampo ng Falcons, naniniwala si coach Franz Pumaren na malaki ang kanilang tsansang makabalik basta’t maging consistent lamang sila sa kanilang performance.

“In spite of us playing terrible, in spite of us playing bad, I think we were there in the game, “ ani Pumaren na tinutukoy ang nangyari noong Game 1.”We just have to be more consistent olin our game. “

Sa tampok na laban, muli namang sasandigan ng Jawbreakers ang ipinagmamalaking disiplina at never say die attitude ng kanilang mga players upang matupad ang kanilang misyon.

“These guys just don’t know how to quit. We just kept on persisting and they just did not give in, “ ani Zark’s coach Topex Robinson matapos ang naitalang came from behind overtime win noong Game 1.

Higit namang beterano sa laban, di naman basta susuko na lamang ang Skippers ni coach Koy Banal na sisikaping buhayin ang killer instinct at alisin ang sobrang kumpiyansa sa kanyang koponan na naging dahilan ng kabiguan nila noong Game 1.

“I hope we learned our lessons na hindi puwedeng i-underestimate ang kalaban kahit natalo mo na sila dati kasi semifinals na ito, everybody wants to make it to the finals, “ ani Banal.