Ni Marivic Awitan

PARA matugunan ang demand para sa mga gustong bumili ng tiket at manood ng darating na PBA All-Star, opisyal ng sinimulan ang pagbibenta ng tiket sa tatlong lugar na pagdarausan ng mid season spectacle.

Para sa Davao del Sur kung saan uumpisahan ang All-Star week sa Mayo 23, magsisilbing ticket outlet ang accountant’s office ng provincial government at sa budget office. Mangyari lamang na makipag-ugnayan kina May Fernando-Uy (0825533668) at Dessamie Buat-Sanchez (09286713890) ayon sa pagkakasunod.

Para naman sa Batangas na pagdarausan ng second leg sa Mayo 25 kung saan idaraos din ang mga tampok na side events, maaaring bumili ng tiket sa Batangas City Sports Coliseum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang Toyota Diversion at Toyota Jaro ang sya namang magiging retailer para sa Iloilo kung saan idaraos ang final leg sa Mayo 27 ng taunang All-Star Games.

Ang 2018 PBA All-Star, na magkatulong na itinataguyod ng Phoenix Fuels at Phoenix Pulse at ng Peak sports apparel, ay may parehas na format gaya noong nakaraang taon kung saan lalabanan ng Gilas Pilipinas ang tatlong selection teams na kumakatawan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.