Ni NORA CALDERON

MABILIS na itinanggi ni LJ Reyes na ayaw niyang lumipat ng kabilang network dahil naroon ang dating boyfriend at ama ng anak niyang si Aki.

LJ Reyes TC copy

“Hindi po totoo, dahil una, wala naman akong balak lumipat ng network,” salag ni LJ. “At pangalawa, in good terms po naman kami ni Paulo (Avelino). Malaya niyang nadadalaw si Aki sa bahay, kapag may activities ang anak namin sa school, pareho kaming dumadalo, nag-uusap kami ni Paolo. Kahit si Aki, nire-remind ko lagi sa kanya na he’s your dad. Saka magkamukha po sila,” biro pa ni LJ.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ito ang nilinaw ni LJ sa kaharap niyang press sa media launch ng bago niyang teleserye sa GMA 7, and epidemic drama or nurseserye na The Cure. Tampok din sa serye sina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Mark Herras, Jay Manalo, Diva Montelaba, at Ms. Jaclyn Jose, sa direksyon ni Mark Reyes. Hindi masabi ni LJ kung hanggang kailan pa ang contract niya sa GMA.

“Masaya po ako rito, nabibigyan nila ako ng mga challenging roles, like dito po sa The Cure, na I’m Katrina, the company’s Clinical Research Associate. Magkasama kami ni Greg (Tom) sa trabaho na college friend ko at hindi niya alam na secretly in love ako sa kanya, hanggang sa dumating ang epidemic, simula na iyon ng mga kaguluhang mangyayari sa story.”

Inamin ni LJ na three years na rin sila ni Paolo Contis, hindi pa ba sila magpapakasal ni Paolo?

“Hindi po dapat minamadali iyon, dapat po muna naming pag-usapan ang future namin. Pero sana nga kami na ni Paolo, gusto ko rin namang magkapamilya at bigyan ko ng isang family si Aki,” aniya.

Ngayon lamang muli nagkasama ang dalawang Starstruck na sina Jennylyn at LJ na pareho na ngang may anak ngayon. Kumusta naman sila sa work?

“Ang lagi po naming napag-uusapan ni Jen, ang mga anak namin. Nagkagulatan nga kami nang malaman niyang ganoon na kalaki si Aki at nagulat din ako na ganoon na kalaki si Jazz. Time flies talaga.”

Mapapanood na ang The Cure sa Abril 30, after ng 24 Oras.