NEW YORK (Reuters) – Hinatulang guilty sa pagpatay sa dalawang alaga ang isang kasambahay sa New York, sa kanilang inuupahan sa Manhattan.

Tinutulan ng hukom ang depensa ni Yoselyn Ortega, 55, na ayon sa kanyang abogado ay napag-utusan ng demonyo “to kill the children and herself” nang pagsasaksakin ng kutsilyo sina Lucia Krim, 6, alyas Lulu, at kapatid nitong si Leo, 2, at iniwan ang mga bangkay sa bathtub.

Nadiskubre ang pagpatay noong Oktubre 25, 2012 nang bumalik si Marina Krim sa Upper West Side apartment ng pamilya, at nadiskubre ang mga patay na biktima at ang kanilang kasambahay na nakatayo sa tabi ng mga bangkay habang sinasaksak ng kutsilyo ang sarili.

Kinasuhan si Ortega ng tig-dalawang bilang ng first- and second-degree murder, na may parusang habambuhay na pagkakabilanggo.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina