Ni REMY UMEREZ

ISANG tao ang nag-encourage nang husto kay Sofia Gonzales Romualdez na kumanta. Walang iba kundi ang kanyang ama na si Alfred Romualdez, former mayor ng Tacloban City.

Sofia copy

Ibinahagi ng dating alkalde kung paano nakatulong ang musika sa pagbangon ni Sofia mula sa isang traumatic experience.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Noong kasagsagan ng bagyong ‘Yolanda’ ay muntik ng namatay si Sofia. Mabuti na lamang at may nakapitan siyang haligi. Dalawang oras siyang nakayakap dito hanggang sa dumating ang tulong. Nakatulong nang malaki ang musika para maka-recover siya agad sa dinanas niyang traumatic experience. I encouraged her na ipagpatuloy ang paglikha ng mga awitin at ipahayag ang tunay niyang damdamin,” pagbabalik-tanaw ni Alfred.

To explore and experiment ang layunin ni Sofia sa itinuturing niyang biggest passion. “I don’t want to sound like any other artist. Sapat na iyong hinahangaan ko sila at magsilbing inspirasyon. Nais kong lumikha ng sarili kong tunog. Tulad ng acting, composing is also a form of expression.”

May hugot ang kanyang debut single na Thinking of U at pasadong-pasado sa mga mamamahayag na dumalo sa lunching nito sa Manil Polo Club kamakailan.

Sakaling balakin ni Sofia na pasukin ang pag-aartista, ay hindi na niya kakailanganin pang magkaroon ng ibang screen name. Ang kaso ay wala daw siyang balak na sundan ang mga yapak ng kanyang inang si Cristina Gonzales, na ngayo’y mayor ng Tacloban City.