Ni Mary Ann Santiago

Sisimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbiyahe sa mga accountable forms na gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Mayo 14, gaya ng mga balota, election returns, canvassing form at indelible ink, sa huling linggo ng Abril.

Sa notice ng Comelec, na nilagdaan ni Director Hernan Thaddeus, hepe ng Packing and Shipping Committee, nakatakdang simulan ang pagbibiyahe sa mga gagamiting dokumento at paraphernalia sa eleksiyon sa Miyerkules, Abril 25.

Nabatid na uunahing ibiyahe, bago matapos ang Abril, ang mga accountable form sa malalayong lugar partikular na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Regions 8 at 2 at Batanes, gayundin sa Regions 11, 12, 9, 10, 8, at 6.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, sa unang linggo naman ng Mayo ibibiyahe ang para sa Cordillera, Regions 4-A, 4-B, 7, 5, 1, at 3.

Sa Mayo 8-9 naman ihahatid ang mga accountable form sa National Capital Region (NCR).