MASAYANG nagsama-sama ang mga miyembro ng Team 90s at Team 80s bago ang kanilang laro sa 2018 ERJHS Alumni Sports Club Battle of the Generations basketball tournament sa Barangay N. S. Amoranto covered court sa Quezon City.

MASAYANG nagsama-sama ang mga miyembro ng Team 90s at Team 80s bago ang kanilang laro sa 2018 ERJHS Alumni Sports Club Battle of the Generations basketball tournament sa Barangay N. S. Amoranto covered court sa Quezon City.

SUMANDAL ang Team 90s sa mainit na mga kamay ni Joseph Magpantay upang igupo ang Team 80s, 66-64, at masungkit ang titulo sa 2018 ERJHS Alumni Sports Club Battle of the Generations basketball tournament sa Barangay N. S. Amoranto covered court sa Quezon City.

Tinuldukan ni Magpantay ang makapigil-hiningang panalo matapos ma-kumpleto ang kanyang three-point play sa huling 3.5 segundo ng sagupaan.

Kumubra si Magpantay, miyembro ng Batch 95, ng 16 puntos sa kabila ng mahigpit ba depensa ng Team 80s.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Nahirang siya na Most Valuable Player (MVP).

Dahil sa panalo, nakumpleto ng Teams 90s ang dominasyon, 3-1, sa best-of-five series sa torneo na itinaguyod ng ASC na pinamumunuan ni Ed Andaya ng Batch 81 sa tulong nina Quezon City Cong. Bingbong Crisologo, Councilor Onyx Crisologo, Brgy.Amoranto Chairman Von Yalong at ERJHS Batch 71 at Batch73.

Nanalo ang Team 90s laban sa Team 80s, 81-59, sa opener nitong Marso 18 at 76-68 sa Game 3 nitong Abril 8.

Nakabawi ang Team 80s, 73-67, sa Game 2 nitong Marso 25.

Nakatuwang ni Magpantay sina Choy Santiago, Rommel Lazaro, Jerry Santos and Daniel Blysma.

Nanguna naman sina Alvin Tanare at Ronald Carillo sa Team 80s na may 17 at 13 puntos, ayon sa pagkasunod.

Nakamit din ng Team 90s ang volleyball title nang gapiin ang Team 80s.

Nagsanib puwersa sina Mamei Apinado, Teresa Asuncion, Don Bugarin, Alvin Salazar, Jocelyn Igarta, Jerald Hidalgo, Mona Jimenez, Lourdes Reyes, Rick Boy Pacaldo at Allen Gonzales para sa Team 90s.

Iskor:

Team 90s (66) -- Magpantay 16, C. Santiago 12, Lazaro 8, Santos 7, Blysma 6, Baez 6, Oracion 4, Duculan 4, J. Nell 3, R. Nell 0.

Team 80s (64) -- Alvin Tanare 17, Carillo 13, Cano 10, V. De Guzman 6, Baet 6, Geolin 5, Arnold Tanare 4, De Jesus 3, Mercado 0.

Quarterscores: 20-9, 36-30, 47-45, 66-64.