Ni Beth Camia
Idineklara nang unconstitutional ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Department of Justice (DoJ) na magpalabas ng watch list order (WLO).
Ito ay batay sa naging deliberasyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa Baguio City kamakailan.
Sa pamamagitan ng WLO ay pinipigilan ng DoJ na makalabas ng bansa ang isang indibiduwal na may kinakaharap na kaso sa piskalya, kahit walang court order.
Gayunman, taong 2011 nang pansamantalang pinigil ng Korte Suprema ang WLO nang magpalabas ito ng temporary restraining order laban sa nasabing kapangyarihan ng DoJ.
Nag-ugat ang kaso sa petisyon ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na kumukuwestiyon sa WLO na inisyu sa kanya ni noon ay Justice Secretary Leila de Lima.