Ni Aaron Recuenco

Naghihinala si Director General Ronald dela Rosa, outgoing chief ng Philippine National Police (PNP), sa nawawalang multi-milyong allowance ng police commandos.

Sinabi ni Dela Rosa sa Balita na nakausap na niya ang mga opisyal na isinasangkot sa nawawalang P60 milyong halaga ng daily additional subsistence allowance para sa libu-libong commando ng Special Action Force (SAF) at inaming hindi siya kuntento sa mga natanggap na dahilan mula sa mga ito.

“I am not satisfied with the reasons they gave when I asked them about it. So they must face the case because a case was already filed before the Office of the Ombudsman anyway,” sabi ni Dela Rosa.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kabilang sa kanyang mga kinausap, aniya, ay si dating SAF commander, Director Benjamin Lusad, na kabilang sa kasong plunder na isinampa ng mga aktibo at retiradong SAF officials.

Bukod kay Lusad, kinasuhan din sina Senior Supt. Andre Dizon, ang SAF budget officer; Maila Bustamante; at James Irica, ng SAF Finance office.

Base sa reklamo, bigo ang liderato ng SAF na ibigay ang P30/day allowance ng SAF commandos sa loob ng mahigit dalawang taon sa kabila ng natatanggap na pondo mula sa national police leadership. Ang nawawalang halaga ay umabot sa halos P60 milyon.

Sinabi ni Dela Rosa mayroon talagang mali sa paraan ng paghawak sa nasabing pondo.

“I am not prejudging the case because there is an ongoing investigation (by the Ombudsman) but the way I see it, there was really a problem because it will not became an issue if there was none,” pahayag ni Dela Rosa.