Ni NITZ MIRALLES

KINUMUSTA namin si Mike Tan kung ano na ang nangyayari sa karakter niyang si Marco sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Hindi Ko Kayang Iwan Ka?

Mike--Tan copy

“Si Marco ay unti-unti nang nalalason ng mother niya (Gina Alajar) at ni Ava (Jackie Rice) na may ibang lalake si Thea (Yasmien Kurdi). Dahil paano nagka-HIV si Thea kung walang ibang lalake. Nakapagpakita sila ng ebidensya na niloko ako ni Thea,” sagot ni Mike sa tanong namin.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Marami pang mangyayari sa karakter ni Mike at sa karakter ng buong cast na lalong ikagagalit ng televiewers lalo na ang mga kampi kay Thea. Abang-abang lang daw sa mga susunod pang episodes.

Eye opener kay Mike ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka lalo na sa pagtrato ng tao sa mga may sakit na HIV.

“Ang realization sa akin in doing the show, dapat hindi agad natin idya-judge ang mga may HIV. Mas dapat silang intindihin, sila ang mga taong nagkamali at kailangan silang tulungan na makabangon. Pero hindi ‘yun ang ginagawa ng karakter kong si Marco sa asawa niyang si Thea na I’m sure, nangyayari rin in real life. Ibig sabihin, ipinapakita rin ng soap ang reality. Sana lang, sa mga nanonood ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, lalo na ‘yung mga judgmental, magbago ang pananaw at paniniwala nila,” pagwi-wish ni Mike.

Hiningi rin namin ang reaction ni Mike sa paglipat sa ABS-CBN ni Ryza Cenon na ka-batch niya sa Starstruck 2 at kasabay niyang winner. Siya ba’y walang balak lumipat at umalis sa GMA-7?

"Suportahan na lang natin ang desisyon niya, kung saan siya masaya at kung saan feel niyang mas gaganda pa ang career niya. As for me, masaya ako sa GMA-7, dito na ako nagsimula at hindi naman ako pinababayaan, dito na lang ako,” sagot ni Mike.