Nina Jun Ramirez, Mina Navarro, at Leonel Abasola

Tuluyang pinalaya ng Bureau of Immigration (BI) si Sister Patricia Fox, isang Australian missionary, ilang oras matapos siyang arestuhin sa bisa ng mission order na inisyu ni Immigration Commissioner Jaime Morente kaugnay ng mga ulat na nilabag nito ang mga kondisyon na ibinigay sa kanya sa pamamagitan ng pagsali sa political activities at rally.

 MISYONERO Pinigil sa tanggapan ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila ang 71-anyos na madreng Australian na si Sister Patricia Fox makaraang arestuhin sa bisa ng mission order ng kawanihan dahil sa pagsali umano sa mga kilos-protesta sa bansa. Pinalaya rin siya makalipas ang ilang oras makaraang magpakita ng missionary visa at mga kaukulang dokumento bilang dayuhan. (ALI VICOY)


MISYONERO Pinigil sa tanggapan ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila ang 71-anyos na madreng Australian na si Sister Patricia Fox makaraang arestuhin sa bisa ng mission order ng kawanihan dahil sa pagsali umano sa mga kilos-protesta sa bansa. Pinalaya rin siya makalipas ang ilang oras makaraang magpakita ng missionary visa at mga kaukulang dokumento bilang dayuhan. (ALI VICOY)

Inaprubahan ni Morente ang rekomendasyon ng BI legal division, sa pamumuno ng abogadong si Arvin Cesar Santos, na palayain si Fox para sa mas malalimang imbestigasyon nang mabatid na ang madreng Australian ay may hawak na missionary visa at, kaya, siya ay isang dokumentadong dayuhan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iniulat na isinumite ni Fox ang kanyang pasaporte at iba pang dokumento na nagpapatunay na mayroon siyang missionary visa na inisyu noong Oktubre 15 ng nakaraang taon at may bisa ito hanggang Setyembre 9 ng kasalukuyang taon.

S a dalawang pahinang rekomendasyon kay Morente, sinabi ni Santos na habang inaakusahan si Fox na nakiisa sa protesta ng mga magsasaka noon, ay hindi niya ginagawa nang ihain sa kanya ng mga operatiba ng BI ang mission order kahapon.

Sinabi ni Santos na si Fox ay hindi sakop ng inquest proceedings dahil para lamang ito sa mga dayuhang inaresto matapos mahuli sa aktong lumalabag sa immigration laws.

Sinabi niya na sa ilalim ng patakaran ng BI, kinakailangang isailalim si Fox sa preliminary investigation upang matukoy kung kinakailangang sampahan ng deportation charges ang madre.

Samantala, iginiit ni Senador Nancy Binay na mas dapat pagtuunan ng pansin ng BI ang pagdakip at pagpapalayas sa mga banyagang sangkot sa droga at iba pang krimen kaysa kay Fox.

“Apparently, the Bureau of Immigration used excessive authority in connection with the arrest of Sister Patricia, and has acted on a mistaken perception plucked from an imaginary threat. Ang tanong eh, ‘how can a 71- year old nun be a threat to society?’” ani Binay.

“How can an Australian religious person be as outlawed as those Chinese syndicates in the country involved in drugs, gambling and prostitution Sister Patricia has been helping farmers, lumads and those in the marginalized sectors of society. Pano naging krimen ang pagtulong sa kapwa? What threat does preaching the Word of God pose to society? Siguro ang kailangan pagtuunan ng pansin ng BI eh, ‘yung mga illegal aliens na nagpapasok ng droga, ‘yung mga involved sa human smuggling at child pornography at ‘yung nasa terror list ng AFP,” dagdag ni Binay.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang Liberal Party (LP) tungkol dito.

“Magdudulot lamang ng mas maraming katanungan ang insidenteng ito sa kung ano ang nais itago ng pamahalaan.” ayon naman sa Liberal Party (LP).

Naganap ang pag-aresto isang araw matapos pagbawalang dumalo sa isang local conference si Giacomo Filibeck, isang Italian official ng Socialist Party ng European Union, at ipina-deport dahil kabilang siya sa blacklist ng BI.