NAPAULAT na pinag-iisipan ni Justin Bieber na iwanan ang buhay showbiz “[to] dedicate his life to Jesus”.

Justin copy

Naging committed Christian ang Love Yourself singer simula nang mabinyagan noong 2014 kasunod ng mga gulong kanyang kinasangkutan sa loob ng dalawang taon. Kamakailan ay hinimok ni Bieber ang kanyang fans na pagnilayan ang totoong kahulugan ng Easter, sa pagsasabi sa kanyang mga Instagram followers na: “Easter is not about a bunny, it’s a reminder that my Jesus died for my sins…”

At isang source ang naghayag sa Heat magazine na ang tumitinding pananampalataya ni Bieber ay maaaring mauwi sa tuluyan nitong paglisan sa showbiz industry.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“For Justin, keeping the faith is very important,” ibinunyag ng insider sa Heat. “After going through so much of the pressures of fame, family drama and losing the love of his life—he’s been saved.

“Religion is the only thing keeping Justin on the straight and narrow. There’s even a part of him tempted to give up music and dedicate his life to Jesus. He says that’s the greatest high of all.”

Pumutok ang balita nitong nakaraang buwan tungkol sa panibagong hiwalayan ni Bieber at ng kanyang on/off girlfriend na si Selena Gomez, na kasabay niyang dumadalo sa services ng pinagsisimbahan ni Justin, ang Hillsong sa Los Angeles.

Mula nang maging “born again”, iniulat na binago ni Justin ang kanyang mga prioridad at nais na pagnilayan at isabuhay ang kanyang natagpuang pananalig sa mas mahalagang paraan.

Ayon sa ulat ng Cover Media, naging miyembro ang Sorry singer ng Hillsong makaraang masangkot sa isyu ng paggamit ng droga, vandalism at reckless driving. Ang simbahan, na nakahihikayat ng mga celebrity na dumalo sa pagtitipon, ay pinumumunuan ni pastor Carl Lentz, na siyang nagbinyag sa Canadian star noong 2014, at mula noon ay naging sandalan ng singer sa kanyang pagbabagong buhay.

“He still likes to party, but not as much as he used to. He says there’s a little voice in his head that tells him to stop,” paliwanag ng insider, at sinabing gusto ni Justin na dumalo sa services sa Churchome sa Beverly Hills.

“The first few front rows are reserved for him and his friends, and it’s somewhere he can go and get VIP treatment.”