Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Natigmak na naman ng dugo ang highway sa Barangay San Rafael, Tarlac City matapos magkabanggaan ang isang pampasaherong jeepney at isang dropside truck, na ikinasugat ng 26 na katao, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Insp. Zosimo Exala, Jr. ang mga sugatan na sina Fernando Bolo, 40, driver ng Isuzu jeepney (CPS-886), ng Barangay Magaspac, Gerona; Christopher Luya, 31, may asawa; Rhinalaine Reyes, 19; Aurelio Ramos, 23; Kaecy Katherine Mae Galas, 28; Vincent Colas, 20; John Mark Claridad, 26; Alijomar Pacete, 30; Rubilyn Salocito, 33; Theresita Pascua, 45; Novilyn Ramos, 19; Rodalyn Valete, 25 anyos.

Sugatan din sa aksidente sina Neilon Fabian, 23; Kimberly Ann Salcedo, 24; Claudine Pulido, 21; Josephine Pagaling, 25; Mirasol Raymundo, 38; Allen Llabras, 33; Maria Vanessa Tuazon, 31; Golda Yamson, 35; Myra Ramil, 20, pawang taga-Gerona; Shine Natividad, 19; Fe Gonzales, 49; Gladys Natividad, 21; Ruben Del Rosario, 28, at isa pang hindi kilala, mga residente ng Pura.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dakong 5:30 ng umaga at patungong timog ang jeep nang makasalpukan nito ang kasalubong na Mitsubishi dropside truck, na nagkaroon umano ng problema sa makina.