SINIMULAN ng MMDA Black Berets ang kampanya sa matikas na 59-55 panalo kontra Solid San Juan nitong weekend sa 16-and-under division ng Metro Basketball Tournament sa San Juan Gym.
Matikas ang simula ng Solid San Juan na umabante sa unang period sa pangunguna nina Matthew Calilong at John Brixter Castro na kumana ng 10 sa 13 three-pointer.
Ngunit, nakabawi ang Black Berets sa second half para maagaw ang bentahe patungo sa final period.
Target ng Black Berets, pinangangasiwaan ni sports director Atty. Chris Saruca, na makopo ang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagtuos sa Pateros Mighty Ducks ganap na 1:00 ng hapon sa Miyerkules sa Paranaque Gym.
Mapapalaban naman ang Solid San Juan, suportado ni Hon. Mayor Guia Gomez at sports representative Morell Decena, kontra Taguig Generals gamap na 2:30 ng hapon. Ernest Hernandez
Iskor:
MMDA Black Berets (59) – Andres 16, Natividad 12, Tawatao 12, Drio 7, Naga 5, Lichauco 2, Rance 2, Quijano 1, Gaitan 0, Sunga 9, Punongbayan 0, Sadol 0, Monserata 0, Montas 0, Rance 0.
Solid San Juan (55) – Calilong 18, Tolentino 8, Abalos 6, Bilaro 5, Agravante 4, J. Castro 4, Valeros 4, A. Castro 3, Quililan 2, Torrecarion 1, Patricio 0, Palomero 0, Teodoro 0, Mayono 0, Table 0, Gomez 0.
Quarters: 11-13, 29-26, 46-37, 59-55.