(AFP)- Pansamantalang isasara ng Starbucks ang mahigit 8,000 nitong tindahan at ilang corporate office sa United States sa Mayo 29 upang magsagawa ng “racial-bias education”

Ito’y hakbang ng kumpanya upang sanayin ang nasa higit 175,000 empleyado, matapos mag-viral ang video ng dalawang lalaki na inaresto sa loob ng Starbucks sa Philadelphia.

Makikita sa video na ipinost ng isang costumer ng Starbucks sa Twitter ang dalawang police na tinatanong at pinosasan ang dalawang black American costumer, habang paulit ulit na tinatanong ng isa pang costumer ang pulis ng “What’d they do? What’d they do?”

“Closing our stores for racial bias training is just one step in a journey that requires dedication from every level of our company and partnerships in our local communities,” sinabi ni Starbucks CEO Kevin Johnson.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM