Ni Ellalyn De Vera-Ruiz
Labing-apat na establisimyento sa Puerto Galera ang inisyuhan ng notices to vacate at linisin ang dalawang sikat na beaches sa Oriental Mindoro, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na linisin ang major tourist destinations sa rehiyon.
Ang mga notice to vacate ay inisyu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Region 4B (MIMAROPA) sa mga may-ari ng establishment para boluntaryong sirain ang mga istruktura na itinayo sa easement zones sa Sabang at White Beach.
Si DENR-MIMRAROPA Assistant Regional Director Vicente Tuddao Jr., chair ng Task Force Galera, ang personal na naghain ng notices sa Tina’s Sunset Cottages, Restaurant and Dive Center, Ocean Dream Lodge, Paradise Dive Zone Resort, Corp., Pink and Black Lodging House, Montani Beach Resort, Sabang Inn, Sabang Divers, Mangosteen Restaurant, Dive Dojo, Mermaid Resort Charletan Inc., Modem Development Company Inc., Captn Gregg, Eddie’s Place Bar and Restautant, Marginor Diner and Snack, at I Dive at Casa Mia.
Binigyan ang mga establisimyento ng 30 araw para sumunod sa kautusan.