Mula sa PNA

DAVAO CITY – Magkakasa ng dalawang araw na job fair ang mga tanggapan ng Department of Labor and Employment (DoLE) at Department of Trade and Industry (DTI) sa Region 11 sa Mayo 1 at 2, para mag-alok ng 11,882 trabaho.

Idaraos ang “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Job and Business Fairs” sa Gaisano Mall at SM City sa Davao sa Mayo 1 at 2, Martes at Miyerkules.

Ayon kay DoLE-Region 11 Employment Focal Person Marlito Ayala, sa kabuuang 11,882 job vacancies ay 2,766 ang para sa local employment, at 2,982 naman sa overseas. Sa top 10 most in-demand jobs, sinabi ni Ayala na lima sa mga ito ang sa sektor ng konstruksiyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nangangailangan ng 1,205 mason, 528 karpintero, 402 tile setter, 144 rebarman o steelman, at 70 foreman.

May 130 job vacancies din para sa mga sales representative, 103 service crew, 70 customer service representative, 60 technical support representative, at 54 na management trainee.

Para naman sa most in-demand job sa ibang bansa, sinabi ni Ayala na nasa 1,933 ang kailangang nurse, 200 sales associate, 174 na assistant herd manager para sa New Zealand, 120 waiter/waitress, 113 English teacher para sa Japan, 112 cleaner, 100 household service worker, 100 welder, 90 laborer, at 40 inhinyero.

Kasabay ng job fair, sinabi ni DTI Development Specialist Gema Estrada na mag-aalok din ang kagawaran ng Diskwento Caravan, business seminars at livelihood training.