(AP)- Inakusahan ng Amerika at United Kingdom ang Russia ng pananabotahe sa global internet equipment para tiktikan ang pulitika at ekonomiya.

Sinabi ng dalawang bansa na ang operasyon ng Russia, tulad ng pagpaplanta ng malware sa internet routers at iba pang kagamitan ay maaaring magdulot ng ‘offensive cyberattacks’ sa mga susunod na panahon.

Sa isang pahayag ng U.S. Department of Homeland Security, sinabi ng FBI at ng U.K. National Cyber Security Centre na kabilang sa target ang “government and private-sector organizations,” gayundin ang nagsu-supply ng “critical infrastructure” at mga internet service providers.

“Victims were identified through a coordinated series of actions between U.S. and international partners,” ayon sa companion technical alert na inilabas ng U.S. Computer Emergency Response Team (US-CERT).

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'