NAGING emosyonal si The Weeknd sa Coachella nitong Biyernes.

The Weeknd copy

Nagtanghal ang 28 taong gulang sa unang araw ng festival bilang headline act, at napaiyak habang kanyang inaawit ang kanyang bagong heartbreak songs, na ‘tila patungkol sa kanyang ex na si Selena Gomez. Napaluha ang singer nang kanyang kantahin ang Call Out My Name at Privilege, iniulat ng Entertainment Tonight.

Ang parehong kanta ay sabay na inilabas bilang bahagi ng six-song EP ni The Weeknd, ang My Dear Melancholy, nitong nakaraang buwan – at halatang ang kanta ay tungkol sa kanilang relasyon ni Gomez. Sampung buwang naging magkarelasyon ang dalawa bago naghiwalay noong Oktubre.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mukhang tungkol kay Gomez ang buong liriko ng Call Out My Name, lalo na ng kantahin ni The Weeknd ang, “We found each other/ I helped you out of a broken place/ You gave me comfort/ But falling for you was my mistake,” bago isinalaysay ang nangyaring “rough” times at maging ang pagsailalim ni Gomez sa kidney transplant.

Sa Privilege naman, lumalabas naman na tungkol ito sa kanilang paghihiwalay.

“Enjoy your privileged life/ ‘Cause I’m not gonna hold you through the night / We said our last goodbyes / So let’s just try to end it with a smile / And I don’t wanna hear that you’re suffering,” halos pabulong niya nang awit, bago nagpatuloy ng “And I’ma f**k the pain away, and I know I’ll be okay / They said our love is just a game, I don’t care what they say / But I’ma drink the pain away, I’ll be back to my old ways / And I got two red pills to take the blues away.”

Kaagad na napansin ng fans ang emosyonal na pagtatanghal ni The Weeknd, at marami ang nagpahayag ng kanilang suporta, saad pa sa report ng Entertainmnet Tonight.