Sa pagsisimula ng kompetisyon sa Palarong Pambansa, nagsimula na rin ang Philippine Sports Commission at Philippine Sports Institute (PSC-PSI) sa pagkalap ng mga mahahalagang impormasyon para sa talent Identification, gayundin ang pagsaagawa ng Sports Science seminar sa Baluarte dito.

Magiging tagapagsalita sa nasabing seminar ang mga eksperto sa iba’t ibang larangan ng sports, ayon kay PSI deputy director Marlon Malbog.

“Experts from different fields are resource speakers. Schedule of the topics will vary every dayto allow coaches and sports leaders to choose the best time that suits them considering the hectic schedules of the games in the Palaro,” ani Malbog.

Nakatakdang talakayin ngayon ni Dr. Pilar Elena Villanueva ang tungkol sa first aid sa sports ganap na alas-9:30 hanggang alas-10:30 kasunod si Maria Daniela P. Santos na siyang magsasalita naman tungkol sa Performance Assessment on Children na magtatagal naman hanggang alas-12 ng tanghali.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ipagpapatuloy naman ang nasabing seminar sa hapon sa pamamagitan naman ni Denise Ang upang talakayin ang “Sports Nutrition for Filipino Youth Athletes” at tatapusin naman sa kanyang tatalakaying paksa ng “Movement and Performance”.

“The Sports Science Series is part of PSC-PSI’s coaching education program and we have conducted in other parts of the country, too,” ayon kay Malbog.

Magkakaloob ng mga sertipikasyon para sa mga kalahok sa nasabing seminar habang magsasagawa naman ng talent identification ang PSI para sa mga magwawagi sa Palaro sa elementary at secondary athletes.