Ni Nora V. Calderon

NASA Japan na si Rhian Ramos para sa summer break niya sa taping ng pinag-uusapang romantic-comedy series na The One That Got Away. Kasama ni Rhian ang buong family niya at ang car racer boyfriend niyang si Jason. Masaya si Rhian dahil first time niyang mag-stay nang matagal-tagal sa Japan.

Rhian copy

Ito ang second time niya sa Japan. Ang una ay para sa GMA Pinoy TV show doon, ngunit tumagala lamang siya ng 25 oras -- dumating siya nang umaga, nag-breakfast, nakipag-usap sa mga in-charge ng show, rehearsal, show na at after the show balik na rin siya ng Pilipinas, wala raw siyang nakita kahit isang view.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Kumusta naman ang role niya bilang si Zoe sa TOTGA?

“I’m very happy sa magagandang feedbacks na natatanggap ko at ng production sa role ko bilang si Zoe, isa sa mga ex-girlfriends ni Liam (Dennis Trillo). Happy and flattered po ako na kahit experimental lamang ang character ko, tinanggap ng viewers ang role ko na ‘maharot’ daw ako at pinakamalakas ang loob na gawin ang mga eksena, magsuot ng too sexy dresses,” sabi ni Rhian sa set visit.

“Ginagawa ko lamang naman ang character ni Zoe, kaya nga nung minsang napagsabihan ako ni Mommy na i-tone down ko raw ang mga isinusuot ko, sabi ko kapag ginawa ko iyon, hindi na ako si Zoe, at naintindihan naman niya ako. Saka alam ko naman kung ano iyong pwedeng isuot ko,” aniya pa.

Biniro namin si Rhian na parang na-kiss na niya lahat ng guys sa serye: sina Dennis, Jason Abalos, Ivan Dorschner, except for Migo Adecer dahil brother niya sa story. Hindi rin daw niya nahalikan si Renz Fernandez, dahil ayaw nito sa girls, ang gusto nitong halikan ay si Liam, dahil bakla si Gab at tuwang-tuwa sila dahil ang husay na nagagampanan ni Renz.

“Natuwa rin ako na kahit romantic-comedy ang show namin, nabigyan din ako ng chance na mag-drama sa isang eksena.

Sana mapanood ninyo iyon dahil feel na feel ko ang eksena at dialogue ko na kahit hindi naman sinabi ni Direk Mark dela Cruz na umiyak ako, naramdaman ko na lamang na umiiyak na pala ako.”

Eleven years na rin palang Kapuso si Rhian, wala bang offers sa kanya sa ibang network or talent agency?

“Wala po akong balak lumipat ng ibang network, forever akong Kapuso, I grew up here, simula nang pumasok ako rito, sila na ang mga kasama ko, I’m comfortable with them. Inalagaan nila ako kaya I’m very thankful sa kanila. Ina-allow din nila ako gumawa ng movies sa ibang production.”

Kasabay nga ng taping nila ng TOTGA, nag-shooting siya ng dalawang movies, ang #72 with Jolo Revilla for Imus Productions at ang Trigonal na ayaw niyang sabihin kung ano ang story pero kasama raw niya sina Christian Vasquez at Monsour del Rosario, at kasali raw ito sa Cannes Film Festival.