Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Pasig City Sports Center)

12:00 n.h. -- Zark’s Burger-Lyceum vs. Marinerong Pilipino

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2:00 n.h. -- Chelu Bar and Grill-San Sebastian vs. Akari-Adamson

HINDI masayang ang pagkakataong maging top seed ang sisikapin ng Akari-Adamson sa pagsabak ngayong hapon sa semifinal round ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Pasig City Sports Center.

Nagtapos na No. 1 team sa elimination round, sisikapin ng Falcons na hindi mauwi sa wala ang kanilang pinaghirapan sa pagsisimula ng pagharap sa bagong hamon sa best-of-three semifinals series nila ng Chelu Bar and Grill-San Sebastian.

Magtatapat ang Falcons at Revelers sa Game 1 ng kanilang serye ganap na 2:00 ngayong hapon pagkatapos ng isa pang semifinals pairings sa pagitan ng Zark’s Burger-Lyceum at Marinerong Pilipino ganap na 12:00 ng tanghali.

“We came to the league with the sole purpose of gaining experience here.But since andito na kami, we’ll try to make the most out of it,” pahayag ni Akari-Adamson coach Franz Pumaren.

Sa kabilang dako, tatangkain din ng Revelers na makasingit sa finals sa kanilang unang stint sa liga.

Sa unang laro, matinding bakbakan din ang inaasahan sa pagitan ng Jawbreakers at ng Skippers na pinalakas pa ang kanilang backcourt sa pamamagitan ng pag-activate ng ex-pro at dati nilang assistant coach na si Denok Miranda para sa mas malaking tsansa na makausad sa kampeonato.

Sisikapin ng Jawbreakers na hindi mabigo ang mga taong umaasa sa kanila partikular ang management..

“Gagawin namin yung best namin, magtutulung-tulong kami para naman hindi madismaya yung mga coaches at management namin kasi mataas ang expectations nila sa min, “ pahayag ni Zark’s veteran guard MJ Ayaay.