Ni Mina Navarro
Inaasahan ang pagdagsa ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait sa mga shelter home ng gobyerno ng Pilipinas, lalo na kapag natapos na ang programang amnestiya ng Kuwaiti government, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).
Sa ngayon ay nasa 830 OFW ang nanunuluyan sa dalawang natitirang shelter home sa Kuwait.
Maaaring madagdagan ang nasabing bilang pagkatapos ng deadline sa Abril 22 ng amnesty program ng Kuwait sa mga hindi dokumentadong OFW.
Nabatid na pagkatapos ng Abril 22 ay ipatutupad na ng Kuwait ang paghuli sa mga OFW na walang kaukulang dokumento.
Kahapon ay mahigit 50 OFW ang dumating sa bansa mula sa Kuwait.