CALIFORNIA (AFP) - Tinangggihan ni California Governor Jerry Brown ang mungkahi ng administrasyong Trump na National Guard mission sa state border ng Amerika at Mexico.

Noong nakaraang linggo sinabi ni Brown na handa niyang tanggapin ang pondo galing kay US President Trump upang mapaganda ang National Guard ng California.

Ngunit binalewala ito ng gobernador at iginiit na tututok lamang ang estado sa mga cross-border crime at hindi sa panghuhuli ng mga di-awtorisadong migrant na pumupunta sa California na tinatawag na “sanctuary cities.”

Ipinag-utos ni Trump nitong buwan ang pagpapadala ng libu-libong National Guard para magbantay sa southern border ng Amerika habang hindi pa naitatayo ang pader dito.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'