Ni Beth Camia

Naglabas ng accreditation guidelines ang Department of Tourism (DoT) para sa mga mamamahayag na nais i-cover ang rehabilitasyon ng Boracay Island sa susunod na anim na buwan.

Paliwanag ng DoT, isasailalim sa regulasyon ang access sa media habang nakasara ang isla, kabilang na rito ang dami ng mga tauhan ng bawat media company na maaaring makapasok sa lugar at kung hanggang saan lamang ang pupuntahan ng mga ito.

Nilinaw ng DoT na aabot lamang sa 12 ang maximum na bilang ng bibigyan ng accreditation sa bawat television network habang lima naman kada radyo, pahayagan, newswire at online platforms.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagsimula na kahapon ang pagpapalabas ng media accreditation at tatagal ang proseso nito hanggang limang araw.

Ang mga accredited media member ay kinakailangang magharap ng kanilang mga accreditation identification (ID) card bago makapasok sa isla at kailangang isuot ito sa lahat ng oras.