MATAGUMPAY na binuksan ang Kap. Marlon Manalo ang Basketball Cup 2018 nitiong Sabado sa Barangay Malamig elevated court sa Mandaluyong City.

LAYUNIN ni dating international billiards champion at ngayon ay Mandaluyong City Councilor Marlon Manalo (gitna) na mabigyan ang mga kabataan ng oportunidad na madevelop sa sports sa isinagawang Basketball Cup kamakailan sa Barangay Malamig.

LAYUNIN ni dating international billiards champion at ngayon ay Mandaluyong City Councilor Marlon Manalo (gitna) na mabigyan ang mga kabataan ng oportunidad na madevelop sa sports sa isinagawang Basketball Cup kamakailan sa Barangay Malamig.

Ayon kay tournament director Ariel Barroga Arcebal, may kabuuang 20 teams ang sasalang sa junior at senior division, habang 19 koponan sa midget class at anim sa mosquito category.

Mismong sina Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National PRO at Barangay Malamig chairman Marlon Manalo, Barangay kagawad Cynthia Caluya at ng Council ang nanguna sa pagbubukas ng nasabing sports fest na ang layunin ay pagkakaroon ng camaraderie sa mga residente ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hinikayat pa ni Manalo, isang international billiards at snooker champion, ang lahat ng mga kalahok na pagbutihin nila ang paglalaro ng basketball at mag focus sa sports at iwasan ang mga masasamang bisyo.

Sa inisyal na resulta, kumana si Best Player Mark Sison ng 21 puntos para ihatid ang Green Team sa 53-40 tagumpay kontra sa Yellow Team sa Mosquito Division.

Nagtala naman si Best Player Matthew Idrissi ng 40 puntos para selyuhan ang Cordillera sa 98-87 panalo kontra sa Talayan, habang kumamada ang Makiling laban sa M. Vicente, 83-57, sa midget division.