FIRST AND THE BEST! Muntik nang tumigil sa pagtakbo si Desiree Linden bunsod nang masamang panahon, habang nagbunga ang pagtitiyaga ni Yuki Kawauchi (kaliwa) para tanghaling unang non-sponsored runner na nagwagi sa Boston Marathon. (AP)

FIRST AND THE BEST! Muntik nang tumigil sa pagtakbo si Desiree Linden bunsod nang masamang panahon, habang nagbunga ang pagtitiyaga ni Yuki Kawauchi (kaliwa) para tanghaling unang non-sponsored runner na nagwagi sa Boston Marathon. (AP)

BOSTON (AP) — Sa kalagitnaan ng karera at sa gitna nang walang tigil na pagbuhos ng malamig na ulan, nagdadalawang-isip si Desire Linden na tumigil na lamang at isuko ang kampanya sa Boston Maraton sa susunod na taon.

“My hands were freezing, and there are times where you were just stood up by the wind. It was comical how slow you were going, and how far you still had to go,” pahayag ni Linden.

“At six miles I was thinking, ‘No way, this is not my day,’” aniya. “Then you break the tape and you’re like, ‘This is not what I expected today.’”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa desisyon na magpatuloy, tuluyang nagapi ng two-time Olympian at 2011 Boston Marathon runner-up, ang masamang panahon, gayundin ang mga matitiyaga at matitikas na karibal para taghaling women’s champion sa ika-122 edisyon ng pamosong international marathon.

Natawid ni Linden ang finish line sa kabuuang dalawang oras, 39 minuto at 54 segundo – mahigit apat na minuto ang layo sa sumegundang si Sarah Sellers. Ngunit, ang winning time ni Linden ang pinakamabagal na naitala sa Boston mula noong 1978.

Nagbunga naman ang pagtitiyaga ni Yuki Kawauchi para tanghaling non-sponsored runner na nagwagi sa men’s division at gapiin ang mga tanyag na karibal kabilang si defending champion Geoffrey Kirui.

Tinanghal si Kawauchi na unang Japanese na nagwagi sa Boston Marathon mula noong 1987 at naiuwi ang premyong $150,000. Siya rin ang unang Asian runner na naging kampeon dito mula nang magwagi si Korean Lee Bong-Ju noong 2001.

Nairehistro ni Kawauchi ang winning time na 2:15:58 at pinakamabagal din mula nang magwagi si Jack Fultz sa pamosong “Run for the Hoses” noong 1976.

“For me, it’s the best conditions possible,” sambit ni Kawauchi, isang school administrator at sumabak sa 12 marathons bioang paghahanda ngayong taon.

“I’ve been running for 26 years, and in 26 years this is by far the best day of my life,” aniya.

Naorasabn si Kirui sa 2:18:23, kasunod si American Shadrack Biwott (2:18:35).