Ni Mario Casayuran

Iminungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian na tutukan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Philippine Competition Commission (PCC) ang operasyon ng transport network vehicle servive (TNVS) na Grab upang hindi ito umabuso.

Bilang chairman ng Senate economic affairs committee, sinabi ng senador na nag-iisa na lamang ang Grab ngayon bilang ride-hailing services, makaraang ihinto na ng Uber ang operasyon nito sa Pilipinas simula kahapon, Abril 16.

“PCC and LTFRB, both government regulators, should go deeper into the cost structure of TNVS or ride-hailing services. They should also establish benchmarks that are international accepted to detect potential abuses of a monopoly. Dapat i-review ng LTFRB ang lahat ng fees at charges na ipinapatong sa commuters,’’ pahayag ng senador.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nais din ni Gatchalian na imandato ng LTFRB ang Grab at i-breakdown ang resibo upang maging mas transparent ang mga sinisingil nito sa commuters.

Kinuwestiyon din ng senador ang LTFRB dahil pinapayagan nito ang Grab na maningil nang lagpas sa ipinaiiral na international rates.