GINULAT ni Beyoncé ang kanyang fans sa pinakaaabangang pagtatanghal niya sa Coachella festival nitong Sabado, nang isama niya sa entablado ang dating Destiny’s Child band mates niyang sina Kelly Rowland at Michelle Williams.

Kelly, Beyonce at Michelle copy

Ito ang unang pagtatanghal ni Beyoncé simula nang isilang niya ang kanyang kambal na sina Rumi at Sir noong Hunyo.

Pinahanga ng DC3 ang manonood nang itanghal ang mga memorableng awitin noong’90s at early 2000s, gaya ng Say My Name, Soldier at Lose My Breath, sa ternong black at bronze costume, na kanilang iconic look nang namamayagpag pa ang grupo sa charts noon, iniulat ng People.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Hindi ito ang unang pagkakataon na isinali ni Beyoncé sina Rowland at Williams sa kanyang high-profile performance — nagtanghal din ang tatlo noong Pebrero 2013 sa kanyang Super Bowl halftime show, ayon pa rin sa report.

Sinimulan ng 36 taong gulang na mang-aawit ang kanyang halos dalawang oras na performance set sa pag-awit ng Sorry, Crazy in Love at Drunk in Love — isinama rin niya ang asawang si Jay-Z para sa rendition ng Déjà Vu.

Ipinagdiwang din ni Queen Bey ang makasaysayang headline act sa music festival at sa kanyang sarili: “Coachella, thank you for allowing me to be the first black woman to headline,” aniya, na perpektong introduksiyon ng Run the World (Girls).

Marking the milestone, kinanta ng superstar ang Lift Every Voice and Sing, na kilala bilang black national anthem.

Sa kabuuan ng kanyang performance, nakalimang palit ng outfit at look si Beyonce, na idinisenyo ni Olivier Rousteing sa tulong ng singer, stylist na si Marni Senofonte, at ng buong team ni Beyoncé.

Ipinaliwanag ni Rousteing sa Vogue ang inspirasyon sa likod ng look ng superstar, aniya, “Beyoncé is looking for something in a military style” dahil “the shows were all about survivors”, ayon pa rin sa People.

Orihinal na nakatakdang magtanghal ang Grammy winner noong Coachella 2017 ngunit hindi niya ito itinuloy dahil sa utos ng doktor, dahil noon ay ipinagbubuntis na niya ang kanyang kambal na anak, kaya si Lady Gaga ang nagtanghal para sa kanya.