Ni Bella Gamotea

Magpapatupad ngayong araw ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo ngayong 6:00 ng umaga ay 80 sentimos ang madadagdag sa kada litro ng kerosene, 55 sentimos sa diesel, at 35 sentimos naman sa gasolina.

Inaasahan namang magpapatupad din ng kahalintulad na dagdag-presyo ang iba pang kumpanya ng langis.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis.

Abril 3 nang huling nagtaas-presyo ang petrolyo: P1 sa kada litro ng diesel at kerosene, at 90 sentimos sa gasolina, bagamat nagpatupad ng kakarampot na rollback nitong Abril 10.