Ni FER TABOY

Ibinunyag kahapon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na aabot sa 73 opisyal ng barangay sa bansa ang pinakakasuhan sa Office of the Ombudsman sa kabiguang magkaroon ng kani-kanilang anti-drug abuse council.

Una nang nagbanta ang DILG sa mga barangay official na kung hindi magtatayo ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ang mga ito sa kanilang mga nasasakupan ay tiyak na mahaharap ang mga ito sa kaso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala s i DILG Undersecretary Martin Diño na nasa 20 porsiyento lamang, o halos 8,800 barangay mula sa kabuuang mahigit 42,000, ang nagsumite ng kani-kanilang drug watch list.

Dahil dito, hinikayat ng tanggapan ng DILG ang publiko na samantalahin ang halalan sa Mayo 14 at iboto lamang ang mga opisyal na sumusuporta sa kampanya kontra ilegal na droga.