PANGUNGUNAHAN ni  Albert Martinez (gitna) Overland Oversea team sa 10-day 4x4 Expedition road trip sa buong LuzViMin.
PANGUNGUNAHAN ni Albert Martinez (gitna) Overland Oversea team sa 10-day 4x4 Expedition road trip sa buong LuzViMin.

NAGKAISA ang ilang 4x4 vehicle enthusiasts magsama-sama para sa makasaysayang Expedition road trip na tatahak sa iba’t-ibang kondisyon ng kalsada sa mga lalawigan ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Mahigit 3,000 kilometro ang target na maniyahe ng grupong Overland Overseas a 10 araw na epikong paglalakbay sakay ng 15 4x4 Expedition.

“This is a first in Philippine history as we’re going to do what no other vehicle group has done before,” pahayag ni Albert Martinez, miyembro ng Overland Oversea sa ginanap na media conference kamakailan sa Marina Bay Spa sa MOA.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tatahakin ng grupo ang patag, bulubundukin, palusong at paahon na kalsadahan sa kanilang paglalakbay sa mga lalawigan at lungsod sa Laguna, Quezon, Camarines, Bicol, Samar, Leyte, Surigao, Davao, General Santos, Cotabato, Cagayan de Oro, Camiguin at Butuan.

Target ng grupo na marating at maipakita sa madla ang mga lugar sa bansa na posibleng maging tourist destination.

“Our roadtrip would highlight the beauty of our country,” sambit ni Martinez.

Ayon sa grupo, regular nilang ipo-post sa kanilang Youtube account ang mga tagpo at highlights ng kanilang paglalakbay upang mapanood nang libre sa online.

“We will definitely bring sleeping materials and even a generator to help us in our journey since our trail would not be that easy as you think it is,” pahayag ni Martinez, bilang paghahanda sa sandaling walang makuhang hotel para pansamantalang matuluyan ng grupo.

Bukod sa expedition, sinabi ni Martinez na layunin din ng grupo ang makakalap ng donasyon na maibibigay sa mga institusyon na nangangalaga sa mga mahihirap nating kababayan.

“We want this trip to be a memorable adventure so we decided to bring goods and donations so we would not just highlight the beautiful and undiscovered areas in the Philippines but also, bring joy to our fellow Filipinos on the road,” pahayag ni Martinez.

Sisimulan ng Overland Oversea ang biyahe sa Mayo.