MAGKASALO sa ikalawang puwesto sina Filipino Fide Master Nelson Villanueva, untitled Recarte Tiauson at International Master Emmanuel Senador habang nakamit naman ni Uzbek Grandmaster Alexei Barsov ang kampeonato sa katatapos na Kejohanan Catur Terbuka Antarabangsa Langkawi 2018 Chess Championship na ginanap sa Myangkasa Akademi and Resort Langkawi sa Kedah, Malaysia.

Nakihati ng puntos si Barsov kontra kay Eric Cheah ng Malaysia sa final round tungo sa 7.5 puntos mula sa pitong panalo at tabla sa walong laro.

Habang tabla rin si Villanueva sa kababayang si Senador habang si Tiauson, Technical Support Representative ng RingCentral ay giniba si Teh Hui Lam ng Malaysia.

Tumapos ang tatlong Pinoy sa ikalawang puwesto tangang parehong 6.5 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matapos ipatupad ang tie-break points, si Villanueva ay second place, sinundan ni Tiauson na third place. Si Senador ay fourth, si Cheah sa fifth at habang si Nithyalakshmi Sivanesan ng Malaysia para sa sixth place.

Tampok din si National Master Stewart Manaog sa seventh place na may 6.0 puntos.