Ni Jun Fabon

Arestado ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga, makaraang makumpiskahan umano ng P800,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga suspek na sina Russel Ferraro, 48, ng Luzon Ave., Barangay Pasong Tamo; at Gary Baking, 38, taga- North Susana Executive Village, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Base sa report ni Supt. Ferdinand Mendoza, hepe ng QCPD-DDEU, dakong 6:00 ng gabi nitong Linggo nang isagawa ang buy-bust sa tirahan nina Ferraro at Baking.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isang poseur buyer ng DDEU ang nakipagtransaksiyon sa mga suspek at nang magkakabayaran na ay nagsulputan na ang mga awtoridad at inaresto ang dalawa.

Nakumpiska umano sa mga suspek ang 160 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P800,000, at P13,000 marked money.

Samantala, sa iba pang anti-drug operation ng QCPD ay naaresto ng Station Drug Enforcement Unit sa loob ng 24- oras kahapon ang 11 katao sa mga barangay ng Vasra, Pasong Putik, Greater Fairview at Talipapa.